Friday, March 28, 2008

katanungan

ano ang sukat ng
halaga ng 'sang buhay
kayamanan ba
o di kaya ang pangalan
ano ang titimbang
sa husto o kulang
nang adhikain
nang katuparan
at paninindigan
may gantimpala bang
dapat pang asahan
upang kumilos ng tama't
makatwiran
saglit lamang
ang ating buhay

tilamsik sa dakilang apoy
ang bukas na nais
mong makita
ngayon pang simulan mo na
saglit lamang
ang ating buhay
tilamsik sa dakilang apoy
ang bukas na nais mong
makita
higit pa sa pinagmulan

No comments: