Pascual de Leon's poem entitled AKO.Puso ko'y malungkot!
Malungkot na tila ibong walang laya't lagas na sampaga,
Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y
Lason at patalim ang magpapabawa.
Ang ayos ng mundo ay isang kabaong,
Nagtayong kalansay ang puno ng kahoy,
Dila ng halimaw iyang mga dahon
At sigaw ng api ang ingay ng alon.
Ano't ganito na ang pasan kong hirap!
Ano't ganito na ang aking pangarap!
Ang lahat ng bagay ay napatatawad,
Patawarin kaya ang imbi kong palad?
Gabi-gabi ako'y hindi matahimik
Na parang sa aki'y mayrong nagagalit,
Ang pasan kong sala'y laging umuusig
Sa kabuhayan kong di man managinip.